Thursday, May 2, 2024

Mga miyembro ng Abu Sayyaf Group iniharap sa NBI

- Advertisement -

Ini-Harap na ng NBI o National Bureau of Investigation sa publiko ang naarestong 6 na miyembro ng Abu Sayyaf Group, kahapon.

Nakilala ang mga ito, bilang sina Azmier Ma-Alum, Amar Assam at Musa Sampang.

Kasama rin naman sa mga nahuli sina Jamil Ibrahim, Yong Aming, at Majuk Amil.

Naaresto ang mga ito sa ikinasang magkahiwalay na operasyon sa Taguig City at Zamboanga City.

Ayon sa NBI, 5 sa mga nahuling suspect ay kasama sa naganap na kidnapping sa Lantawan, Basilan noong 2001.

Sa ngayon, tiniyak naman NBI na inihahanda na nila ang mga kasong isasampa sa mga naarestong miyembro ng Abu Sayyaf.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img