Mga kaanak ng 14 magsasakang nasawi sa Negros Oriental hinikayat ng Palasyo na maghain ng kaso sa korte

0
50

Hinikayat ng MalacaƱang ang mga kaanak ng 14 magsasakang nasawi sa ikinasang police operation sa Negros Oriental na maghain na lamang ng kaso sa korte.

Ito ang naging tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay ng mga paratang ng human rights group na biktima umano ng summary execution ng mga pulis ang mga nasabing magsasaka.

Aniya, malaya ang pamilya ng 14 na magsasaka na maghain ng kaso laban sa mga otoridad na nagsagawa ng operasyon.

Dagdag pa nito, mas makabubuti na lamang na hayaan ang korte na magpasya sa naturang usapin.

Samantala, muli namang iginiit ni Panelo na kailanman ay hindi kukunsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang uri ng pang-aabuso ng mga pulis.