36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

DOH naglabas ng bagong testing protocols sa COVID-19

- Advertisement -

Naglabas na ng bagong panuntunan ang Department of Health (DOH) hinggil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa bagong testing protocols ng DOH, kabilang na ang mga health workers na nakitaan ng ‘mild symptoms’ ng COVID-19 sa mga maaring isailalim sa pagsusuri.

Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay matapos na amyendahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang testing protocols kung saan kasama na ang mga health workers sa itinuturing na ‘vulnerable population’.

Batay kasi sa lumang testing protocols ng DOH, tanging ang mga persons under investigation (PUIs) lamang na may edad 60 pataas, buntis, at mga PUIs na nakitaan ng severe symptoms o nasa kritikal na kondisyon ang maaring isailalim sa testing.

Sa pinakahuling ulat ng Philippine Medical Association (PMA), nasa 12 doktor na ang nasawi dahil sa COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -