29.5 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Eleazar: PNP may sapat na tauhan para sa ‘ECQ’

- Advertisement -

May sapat na tauhan ang Philippine National Police (PNP) para italaga sa Luzon sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Ito’y ayon kay Police Lieutenant Gen. Guillermo Eleazar, PNP Deputy Chief for operations at hepe ng Joint Task Force coronavirus disease disease (COVID-19).

Sinabi ni Eleazar, sapat ang tauhan ng PNP para magtalaga ng mga pulis sa mga checkpoints, tiyaking nasusunod ang quarantine protocols lalo na ang pagtitiyak para sa kaligtasan ng publiko.

Sa ngayon kasi, nabatid na nasa 61 pulis ang itinuturing na persons under investigation (PUI), habang nasa 701 naman ang persons under monitoring (PUM)  dahil sa posibleng paghawa sa COVID-19.

Matatandaang, isang pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nag positibo sa COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -