COVID-19 posibleng ‘seasonal’ lamang

COVID-19 posibleng ‘seasonal’ lamang

by Powered by DWIZ
85 views

Posibleng seasonal lamang ang coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang na tuklasan ng isang siyentipiko sa Estados Unidods.

Ayon kay Anthony Fauci, ang nangunguna sa pag-aaral sa infectious diseases sa National Institute of Health, malaki ang tsansa na ‘seasonal’ lamang ang naturang sakit.

Paliwanag nito, napag alaman kasi na sa ngayon kumalat lamang ang virus sa southern hemisphere, kung saan na paparating ang winter, taglamig sa karamihan ng bansang apektado.

Sinabi pa ni Fauci na kung mapatutunayan na umu-usbong ang virus sa pagbabago ng panahon… nangangahulugan itong mas delikado ito, at mas kinakailangan nang makagawa ng vaccine o bakuna laban sa COVID-19.

Sa ngayon, ilang mga bansa na ang sumusubok na makagawa ng vaccine laban sa COVID-19.

Batay sa pinaka huling datos ng  World Health Organization (WHO) nasa 500,000 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong mundo, habang nasa 22,000 na ang nasawi dahil sa virus.

0 comment

Related Posts