Saturday, May 18, 2024

Eleazar ipinalalatag na ang mga idedeploy na pulis na magsisilbing quarantine rules supervisor

- Advertisement -

Inatasan na ni Joint Task Force COVID shield Commander P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang mga local police commanders na isumite na ang mga pangalan ng mga idedeploy na pulis na magsisilbing quarantine rules supervisor (QRS) sa bawat barangay.

Ayon kay Eleazar, magkakaroon ng QRS ang 42,000 barangay sa buong bansa upang mandohan ang mga tanod sa pagpapatupad ng mga quarantine regulations.

Aniya, ang presensya ng mga pulis ay para matiyak na susunod ang mga tao sa kanilang mga barangay tanod.

Dagdag pa nito, na bukod sa mga barangay tanod ay tutulong din sa enforcement ng quarantine regulations ang mga city at municipal public order and safety personnel upang matiyak na ang bawat komunidad ay ligtas sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -