Davao City – Aabot sa 45,000 tilapia fingerlings ang ipinamahagi ng provincial government sa mga fisherfolks ng Brgy. Lomonay, Pres. Roxas bilang bahagi ng programang Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC) Nagkakaisang Adhikain para sa Cotabateños-Local Serbisyo Caravan (NAC-LSC).
Katulong ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Mindanao Freshwater Fisheries Technology Center (BFAR-MFFTC) sa naturang programa kung saan 74 na mga pamilya sa nasabing barangay ang makikinabang dahil sa libreng mga fingerlings na magagamit para sa dagdag nilang kabuhayan.

Binigyan din ng orientation o technical assistance ng mga personahe ng OPAg ang mga fish farmers upang mas lalo pang mapabuti ang kanilang pag-aalaga ng mga isda at mapalago ang kanilang kabuhayan.

Namahagi din ang OPAg sa pamumuno ni Dr. Sustines U. Balanag ng 500 coconut seedlings at 50 seedlings ng assorted fruit trees. (Michael Manguhig, RPN DXKT Davao OIC)
