Saturday, May 4, 2024

Ekonomiya ng bansa apektado rin ng nCoV —BOC

- Advertisement -

Bagaman nananatiling ‘novel coronavirus (nCoV) free’ ang Pilipinas ay may epekto pa rin ito sa ekonomiya ng bansa.

Ito ang binigyang diin ni Bureau of Customs (BOC) Assistant Commissioner Vincent Maronilla, sa gitna ng ikakasa nitong paghihigpit sa mga imported items na papasok sa bansa partikular na sa mga magmumula sa China.

Paliwanag nito, malaking bahagi na inaangkat na produkto ng Pilipinas ay mula sa China kung kaya’t magkakaroon ng ‘slowdown of import’ sa kabila ng paniniguro ng pamahalaan na hindi makakapasok ang nCoV sa mga produkto na nakakapasok sa bansa.

Samantala, tiniyak naman ni Maronilla na sila’y magiging mapanuri sa mga produktong iniimport gayung hindi nila iniaalis ang posibilidad na naisasalin ang nakamamatay na sakit sa mga food at non-food items. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img