Ipatatawag na ng Kamara sa susunod na pagdinig ang Chairman ng Civil Service Commission (CSC) na si Alicia Dela Rosa – Bala, kaugnay sa imbestigasyon sa mga isyu ng katiwalian sa PhilHealth.
Ito ay kasunod ng isiniwalat ni CSC Commissioner Aileen Lizada sa mga kongresista na ipinag-utos ni Bala sa kanila na huwag magbibigay ng impormasyon kaugnay sa mga nakabinbing kaso ng PhilHealth sa komisyon.
Ipapa-subpoena rin ng Kongreso ang nakuhang record sa pagpupulong ng CSC kung saan ipinag-utos nga ni Bala na huwag maglalabas ng impormasyon na may ugnayan sa kaso ng PhilHealth.
Muli namang ipagpapatuloy ng kamara ang kanilang imbestigasyon sa iregularidad sa PhilHealth sa Huwebes, Agosto 27.