Friday, May 3, 2024

Economic Managers, DA magpu-pulong hinggil sa posibleng pagpapatigil ng pag-aangkat ng bigas

- Advertisement -

Magpupulong ang mga Economic Managers at Department of Agriculture (DA), kapag ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapahinto sa pag-aangkat ng bigas.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang gagawing pagpupulong ay para kanilang malaman kung may malalabag na probisyon ang kautusang ito sa ilalim ng rice tarrification law.

Aniya, bagamat hypothetical pa lamang ang naturang usapin ay handa na sila at ang mga eksperto na magkaroon ng meeting.

Binanggit rin na sa ilalim ng RTL ay iilan lamang ang maaaring ipatigil ang pag iimport ng bigas.

Samantala, posible rin na matalakay sa susunod na cabinet meeting ang naturang usapin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img