Proposed budget ng OP nakalusot agad sa Senado

0
13

Nakalusot na ang proposed budget ng Office of the President sa plenaryo sa Senado.

Ito ay matapos na wala ni isang senador na kumuwestyun sa pondo na nagkakahalaga ng P8.2-B.

Bagamat, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na nais sana magtanong ni Senator Lito Lapid ngunit agad rin itong umalis ng session hall.

Samantala, dumalo naman sa senado si Speaker Alan Peter Cayetano para sa gagawing pagsasalang sa pondo ng Philippine Sports Commission (PSC). — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)