29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Safety measures, ipinalalatag para hindi makapasok ang bubonic plague sa bansa

- Advertisement -

Inatasan na ni Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriguez, Department of Health (DOH) at Philippine Port Authorities (PPA), na maglatag na ng hakbang upang hindi na makapasok ng bansa ang nakamamatay na sakit galing sa bansang China na tinatawag na bubonic plague.

Ayon sa Kongresista, nakakabahala ang maaaring pagpasok ng death plague kasabay ng pagdagsa ng mga Chinese national na dumarating sa bansa.

Batay sa tala ng Bureau of Immigration, tinatayang nasa mahigit 3-M Chinese nationals ang pumasok sa bansa mula noong Enero taong 2016 hanggang Mayo sa taong 2018.

Samantala, hinihiling naman ng mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng sariling quarantine sa mga Chinese na dumarating sa bansa para matiyak na walang itong mga sakit at hindi na mahawaan ang bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -