Duterte umapelang tangkilikin ang mga local tourist destination

Duterte umapelang tangkilikin ang mga local tourist destination

by Powered by DWIZ
30 views

Umapela si Pang. Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na tangkilikin ang mga local tourist destination.

Ito ay kaugnay ng pangamba na makaaapekto sa sektor ng turismo ng bansa ang panganib ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Pang. Duterte, napakaraming magagandang pook pasyalan sa bansa, dahil napakayaman ng Pilipinas sa magagandang tanawin na dinarayo hindi lamang ng lokal, kundi maging ng mga dayuhang turista.

Ngunit, nanganganib aniyang bumagsak ang sektor ng turismo dahil sa kaso ng COVID-19.

Sinabi ng Pangulo na walang dapat ikatakot ang mga Pilipino dahil mahigpit na tinututukan ng pamahalaan ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Una rito, sinabi ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, posibleng umabot sa P42-B ang malugi sa Pilipinas dahil sa ipinatutupad na travel ban sa China, Hong Kong at Macau.

0 comment

Related Posts