Radio Philippines Network
Image default
National News

Panukalang imbestigasyon sa ABS-CBN handa ang Kamara

Welcome sa Kamara ang panukalang imbestigahan ang ABS-CBN dahil sa mga posibleng paglabag nito sa kanilang umiiral na prangkisa.

Ayon kay Cong. Antonio Albano, vice chairperson ng house committee on legislative franchises, handa ang Kamara na imbestigahan ang ABS-CBN upang matukoy kung mayroon nga itong naging mga paglabag.

Kaugnay ito ng senate resolution number 322 na inihain ni Sen. Grace Poe kaugnay sa umano’y mga pang-aabuso’t paglabag ng naturang network.

Sinabi naman ni Ako-Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin na makabubuti ito upang mapatunayan ng ABS-CBN kuwalipikado silang ma-renew ang kanilang prangkisa.

Sa ngayon, nasa 11 panukala ang nakabinbin sa kongreso kaugnay sa franchise renewal bill ng ABS-CBN.

Una rito, inihain naman ni Solicitor General Jose Calida ang quo warranto petisyon laban sa ABS-CBN upang ipawalang bisa na ang prangkisa nitong nakatakdang magtapos sa darating na Marso.

Related posts

Rep. Duterte, 2 kongresista isinusulong ang pagpapalit ng pangalan ng NAIA

Powered by DWIZ

COVID-19 relief programs inilatag para sa SSS members

Powered by DWIZ

Dengue cases sa bansa lumobo pa

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More