Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

84% ng mga PUI sa bansa negatibo sa COVID-19

84% ng kabuuang bilang ng persons under investigation (PUI) sa bansa ang nag-negatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito mismo ang kinumpirma ni Health Assistant Sec. Maria Vergeire, kung saan sumampa na sa kabuuang 455 ang bilang ng PUI’S sa bansa.

Sinabi nito, nananatiling tatlo ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, dalawa rito ang bumuti na ang kalagayan habang isa naman ang nasawi.

Sa nabanggit na bilang ng PUI, 191 rito ang naka-admit sa iba’t-ibang ospital, 260 ang nakalabas na ng ospital, habang 66 naman ang naghihintay pa rin ng confirmatory tests.

Matatandaang, tatlo na ang pumanaw na pui sa bansa dahil sa ibang sakit.

Related posts

DOH iinspeksyunin ang kulungan ng babaeng hinihinalang nasawi sa Meningococcemia

Powered by DWIZ

DOH pinayuhang ang publiko na magsuot ng face masks sa loob ng bahay na may kasamang senior citizens

Powered by DWIZ

Batas sa mas malaking plate number sa mga motorsiklo nilagdaan na

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More