Duterte pabalik na sa Pilipinas

0
51

Pabalik na si Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa matapos ang apat na araw na working visit nito sa Japan.

Dakong alas-9:58 kagabi ng umalis ang eroplanong sinasakyan ng pangulo sa Haneda Airport.

Bitbit naman ng pangulo ang P300-B halaga ng investment deals na naselyuhan sa Japan kung saan posible itong magresulta sa mahigit 80,000 trabaho para sa mga Pilipino.

Si Pangulong Duterte ang naging keynote speaker sa 25th International Conference on the Future of Asia kung saan nakipagpulong ito kay Prime Minister Shinzo Abe.