Thursday, May 2, 2024

Duterte tiniyak na kayang labanan ng pamahalaan ang nCoV

- Advertisement -

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na kayang labanan ng pamahalaan ang anumang panganib ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Ito ang binigyang diin ni Pangulong Duterte sa kaniyang talumpati kagabi sa Pasay City, kasama ang ilang mga pinuno ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa pangulo, nananatiling ‘on top of the situation’ ang gobyerno pagdating sa usapin ng 2019 nCoV-ARD dahil napaghandaan na ng pamahalaan ang anumang posibleng matinding pinsala na idudulot ng virus sa publiko at sa bansa.

Kaugnay nito, nanindigan din ang pangulo na rin ang pamahalaan na i-repatriate ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga bansang lubhang apektado ng 2019 nCoV-ARD.

Aniya, handa siyang ipadala ang militar sa ibang bansa upang ilikas ang mga Pilipinong nais na makabalik ng Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img