Duterte tiniyak ang kahandaan ng PH sa ASEAN-China Dialogue Relations hanggang 2021

0
43

Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kahandaan ng Pilipinas na gampanan ang papel nito bilang country coordinator ng ASEAN-China Dialogue Relations hanggang 2021.

Sa kanyang intervention sa working dinner ng ASEAN leaders, inihayag ng pangulo na committed ang pilipinas na makipag koordinasyon sa lahat ng sangkot na partido para sa makabuluhang negosasyon at maagang conlcusion ng code of conduct sa South China Sea.

Tinukoy din ng pangulo ang nananatiling commitment ng Pilipinas sa ganap at epektibong implementasyon ng declaration on the conduct of parties in the South China Sea.

Kabilang dito ang mapayapang resolusyon ng territorial disputes, pag-iwas mapalala ang tensyon at pag-iral ng freedom of navigation and overflight sa South China Sea batay na rin sa international law lalo na ang 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).