Batas na dapat isalang sa debate ang mga election candidates isinusulong sa Kamara

0
48

Isinusulong sa Kamara De Representates ang panukalang batas na mag-oobliga sa lahat ng mga kandidato sa national at local election na sumalang sa isang debate.

Batay sa inihaing House Bill 8549 ni Siquijor Representative Rav Rocamora, inataasan nito ang Commission on Elections (COMELEC) na magsagawa ng public debate para sa kandidato.

Ayon kay Rocamora, sa ganitong paraan naniniwala siyang mas mabibigyan ng pagkakataon ang mga botante na makilatis nang mabuti ang mga kandidato.

Gayundin ang malaman at matimbang ng mabuti ng mga botante ang mga plano at agenda ng bawat kandidato at mga opinyon nito hinggil sa mahahalagang usapin sa bansa na makakaapekto sa kanilang mga constituents.

Nakasaad din sa panukala na ituturing na isang election offense at maaaring gawing batayan ng diskuwalipikasyon ang hindi pagdalo ng mga kandidato sa mga itatakdang debate ng COMELEC.