Bilang ng nasawi sa landslides sa Cordillera sumampa na sa 9

0
51

Sumampa na sa labing-lima ang nasawi sa landslides sa Cordillera Region matapos ang pananalasa ng bagyong Rosita.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa nadagdag sa listahan ang isang biktima mula sa lalawigan ng Abra.

Sa bayan ng Natonin, Mountain Province, walong bangkay na ang narekober ng mga otoridad mula sa gumuhong gusali ng DPWH-Second District Engineering Office sa Sitio Sakrang, Barangay Banawel.

Kinilala ng DPWH rescue team ang dalawa sa mga biktimang sina Benito Falangkad Longad at Jeffrey Nagawa Salang-Ey.

Mahigit 20 pa ang sinasabing na-trap sa gumuhong gusali na karamiha’y laborer mula sa dalawang construction firm.

Samantala, patay din sa landslide ang biktimang si Jeffrey Salang-Ey, kwarenta anyos, Sitio Arnukan sa Barangay Alunogan.