Duterte nais na pangasiwaan ng DND ang kampanya vs. COVID-19

0
19

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangasiwaan ng Department of National Defense (DND) ang kampanya kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kaniyang talumpati, sinabi ng pangulo na ang mga ahensiya ng pamahalaan, kabilang na ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay nagtutulong-tulong na upang mas mapabilis pa ang implementasyon ng isang sistematikong action plan upang mapigilan na ang patuloy na pag taas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa pangulo, ang n ang national action plan ng gobyerno kontra COVID-19 ay dapat na ipatupad ng DND katuwang ang mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan.

Kabilang aniya sa mga makatutulong ng DND ang DILG, pulisya, Department Of Social Welfare and Development (DSWSD).

Kaugnay nito, binigyang diin pa ng pangulo na ang lahat ng hakbang na ipinatutupad ng pamahalaan ay para lamang sa kapakanan, seguridad at kaligtasan ng sambayanang Filipino.

Matatandaang, una nang inilagay ni Pang. Duterte ang buong rehiyon ng Luzon sa enhanced community quarantine dahil sa panganib ng COVID-19.