Thursday, May 2, 2024

Duterte pinangunahan ang pagbubukas ng PITX

- Advertisement -

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng Parañaque Intermodal Terminal Exchange (PITX).

Sa talumpati ng pangulo, kaniyang tiniyak na walang kurapsyon at kumitang mga opisyal ng pamahalaan sa nasabing proyektyo.

Nilinaw din ni Pangulong Duterte na hindi naging contributor sa nakaraang halalan ang megawide group na siyang naging katuwang ng Department of Transportation (DOTr) sa naturang transport hub.

“Walang corruption yan. If I may, without offending anybody, any of you. Sa election na contribution nila na ibinigay sa akin hindi ko tinanggap. Just to tell you, any tales can be weave around accepting contract or the winning contractor; sabihin ko sa inyo a lot of them isa na sila hindi ako tumatanggap.” Pahayag ni Duterte.

Kasabay nito, inatasan din ng pangulo ang DOTr na tiyakin na pasok sa standard ng road worthiness ang mga sasakyan na gagamit sa bagong terminal.

Ang PITX ay magsisilbing bagong sakayan at bababaan ng mga pasaherong papunta at mula sa Southern Tagalog area.

Bukod sa mga bus maaari rin din ditong sumakay sa mga AUV, jeepney at taxi.

Inaasahang mabibigyan ng serbisyo ng PITX ang nasa 100,000 pasahero kada araw

“I am directing the DOTr, MWM terminals to implement the necessary measures to ensure all transport vehicles will be using the PITX are road worthy that complies environmental laws and proper documentation as well.” Ani Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img