Saturday, May 18, 2024

Senador pinaalalahanan ang BOC kaugnay sa umiiral na batas sa balikbayan box

- Advertisement -

Pinaalalahanan ni Senador Sonny Angara ang Bureau of Customs (BOC) kaugnay sa umiiral na batas kung saan nakasaad na hindi basta basta maaaring buksan at kalkalin ang mga balikbayan box lalo na ngayong nalalapit ang kapaskuhan.

Ayon kay Angara, sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act, binibigyan ng proteksyon ang balkikbayan boxes na karaniwang pinapadala ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas tuwing kapaskuhan.

Sinabi ni Angara na itinulak ang nasabing batas dahil sa mga reklamong natatanggap mula sa mga OFW at kanilang mga pamilya kung saan kulang-kulang na umano ang mga laman ng kahon o kaya ay nasisira ito sa oras na sumailalim na sa inspeksyon.

Ipinaalala din ng senador na hindi na dapat pang buwisan ang mga balikbayan box na ang laman ay hindi hihigit sa P150,000 ang halaga.

Batay sa datos ng BOC, umaabot sa 400,000 balikbayan boxes ang dumadarating sa bansa kada buwan at dumodoble naman ito tuwing sasapit ang pasko.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -