DOH ipinamahagi halos 60,000 surgical face sa mga frontliners sa bansa

0
29

Aabot sa halos 60,000  surgical face masks an ipinamahagi ng Department Of Health (DOH) sa mga health care workers sa bansa na itinuturing na frontliners sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 56 na facemasks din ang kanilang ipinamahagi upang maproteksyunan ang mga health workers mula sa panganib ng sakit.

Dagdag pa ni vergeire, kabilang din sa mga matatanggap ng mga healthcare workers sa bansa ang mga personal protective equipment (PPE).

Matatandaang napaulat na nagkakaubusan na ng suplay ng PPE sa mga ospital dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.