Pagsubasta sa Marcos jewelry ‘go’ kay Duterte

0
55

Nagbigay na ng “go signal” si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsubasta sa mga alahas ni dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung saan sinabi nitong may isa lamang kundisyon si Pangulong Duterte.

Aniya, ito ay dapat matiyak na pakikinabangan ng publiko ang kikitain sa pagsubasta sa mga naturang alahas.

Una rito, sinabi ng Commission on Audit (COA) na dapat may pahintulot ng pangulo ang pagsusubasta ng mga alahas, na tinatayang aabot sa P704.8-M.

Matatandaang taong 2018 nang hilingin ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa pangulo na nais nilang isubasta ang mga naturang alahas na nasamsam sa Palasyo ng Malacañang noong People Power Revolution.

Kabilang rin dito ang roumellotes collection na nabawi ng Bureau of Customs sa kaibigan ni Ginang Marcos na si Demetrious Roumellotes at Honolulu collection na nakumpiska naman ng U.S. government noong 1986.

Sabi ni Presidente (Duterte) kagabi, gusto niya na makinabang ang taumbayan doon sa mga jewelries. So, tinanong ko siya, are you going to give your go-signal to sell, “yes”.” pahayag ni Panelo.