COMELEC Commissioner Rowena Guanzon may hamon kay Cardema

0
44

Hinamon ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon si dating National Youth Commission Chairman Ronald Cardema na pangalanan ang congresswoman na nagsisilbi umanong bagwoman ng commissioner.

Sa halip anya na mang-intriga, mas mainam na pangalanan na nya ang congresswoman at sila ang magkasuhan.

Binigyang diin ni Guanzon na hindi sya pwedeng takot-takutin ni Cardema ng impeachment case dahil mangangahulugan ito ng pag-amin nya na tinangka nyang suhulan ang commissioner.

Una rito, inakusahan ni Cardema si Guanzon ng pangingikil ng P2-M kapalit ng pagbasura sa disqualification case laban sa kanya.