Free wifi posibleng magdulot ng panganib sa publiko

0
78

Posibleng mag-dulot ng panganib sa publiko ang paggamit ng libreng wifi.

Ito ang naging reaksiyon ng IT expert na si Art Samaniego kasunod ng Dept. of Information and Communications (DICT) ang free wifi for all program.

Aniya, posibleng makompromiso ang online safety ng isang indibidwal na kokonekta sa free wifi.

Ayon kay Samaniego, may posibilidad na makuha o manakaw ang data sa pagkonekta sa libreng wifi.

Paliwanag ni Samaniego, ito ay dahil sa pag konekta sa free wifi maaring matukoy ang access point kung saan dito posibleng makuha ang “online activity” ng sinumang nakakonekta sa libreng wifi.

Giit nito, maari itong samantalahin ng mga kriminal at nakawin ang mga impormasyong gaya ng bank account details, password at iba pang mahalagang impormasyon.

Gayunman, sinabi naman ni Samaniego na bagamat may panganib na dulot ang free wifi ay mas maganda naman ang benepisyong hatid nito dahil mayroon ng free internet access ang isang indibiwal.

Paalala ni Samaniego, mag ingat na lamang sa pag-access sa mga free wifi, at iwasan ang anumang online bank transaction habang nakakonekta dito.

Mas mabuting nagagawa yung project na ‘to kasi nagkakaroon na tayo ng libreng access sa internet, libre yung wifi. Ang kinakatakutan nila yung privacy nila baka daw ma-breach yung privacy nila. Maaring makuha yung data mo ‘pag gumamit ka ng libre, ayun ang delikado. Halimbawa, nag-connect ka sa wifi, may tinatawag na access point kung saan tayo naka-connect dun sa access point na yun pwedeng makita o ma-control o malaman kung ano yung activity mo. Kaya iwasan talagang gumamit ng wifi, lalo ng free wifi kapag gumagawa ka ng bank transaction, kapag mase-save ng mga bagay,” ani Samaniego.