Tuesday, May 7, 2024

Duterte nakatakdang bumisita sa Russia sa Oktubre

- Advertisement -

Nakatakdang bumisita sa ikalawang pagkakataon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia sa susunod na buwan.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Ayon kay Panelo, inimbitahan si Pangulong Duterte ni Russian President Vladimir Putin na agad naman nitong tinanggap.

Ihahayag nalang aniya ng pangulo kung ano ang mangyayari sa kanilang gagawing pagpupulong.

Matatandaang una nang nagkita ang dalawang lider ng bansa noong May 2017, ngunit kinailangan ding umuwi agad ni Pangulong Duterte dahil sa nangyaring pag-atake ng ISIS sa Marawi City.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img