Duterte nagpasaklolo na sa Singapore kontra water crisis sa bansa

0
44

Humingi na ng tulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa Singapore upang masolusyunan ang nararanasang krisis sa tubig sa Metro Manila.

Sa paghaharap nina Pangulong Duterte at Singapore Ambassador to the Philippines Gerard Ho Wei Hong sa MalacaƱang, sinabi ng Pangulo na kailangan ng Pilipinas ang payo ng Singapore upang maresolba ang kakapusan ng supply ng tubig sa ilang mga lugar sa bansa.

Paliwanag ni Pangulong Duterte, ang Singapore ay isa sa may pinakamagandang operating machines patungkol sa desalination o ang proseso ng pagsasala ng tubig alat upang magamit ito bilang tubig pang-inom.

Aniya, tiyak na malayo ang mararating ng Pilipinas kung magiging kaagapay nito ang Singapore sa pagresolba ng problema ng bansa sa tubig.

Nabatid na ang Singapore ang nakapag-develop ng teknolohiya para sa desalination at recycling ng waste water, matapos rin nitong maranasan ang kakapusan ng supply sa tubig.

—-