Saturday, May 18, 2024

Dagdag na kontribusyon sa SSS epektibo na sa susunod na buwan

- Advertisement -

Epektibo na ang dagdag kontribusyon sa Social Security System (SSS) sa susunod na buwan.

Batay sa inilabas na contribution schedule ng SSS, simula ngayong Abril, madadagdagan ng isang porsyento ang contribution rate ng mga miyembro mula sa kasalukuyang labing isang (11) porsyento.

Ayon kay Aurora Ignacio, officer-in-charge ng SSS, inaasahang pahahabain nito ang buhay ng pondo hanggang 2045 para mas maraming miyembro ng SSS ang makinabang.

Kasabay nito, itinaas din ng SSS- ang minimum at maximum monthly salary credit, kung saan dalawang libong piso (P2,000) na ang minimum salary credit mula sa isang libong piso (P1,000) habang dalawampung libong piso (P20,000) naman ang maximum salary credit mula sa labing anim na libong piso (P16,000).

Ang minimum at maximum salary credit ang basehan sa pag-compute ng mga benepisyo at kontribusyon.

Kaugnay nito, tataas din naman ang minimum monthly contribution para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa 960 pesos mula sa kasalukuyang 550 pesos.

Sa ilalim ng bagong Social Security Act of 2018, target nitong paubutin sa labing limang (15) porsyento ang monthly SSS contribution rate sa taong 2025.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -