Duterte itinangging may kinalaman ang pamahalaan sa pagpatay sa ‘Sagay 9’ farmers’ lawyer

0
55

Mariing itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman ang pamahalaan sa pagpatay sa human rights lawyer at isa sa mga abogado ng Sagay 9 na si Benjamin Ramos.

Sa kanyang naging talumpati sa pamamahagi ng titulo ng lupa sa Boracay Island, iginiit ng pangulo na hindi niya magagawang magpapatay ng isang abogado na tulad ni Ramos.

Wala rin aniyang dahilan para ipapatay niya si Ramos na tulad ng inaakusa sa kanya ng kanyang mga kritiko.

Magugunitang pinagbabaril ng nakamotorsiklong salarin si Ramos sa tapat ng isang tindahan habang nagpapahinga sa bahagi ng Kabankalan, Negros Occidental.

“Why would I kill a lawyer? Baka small time. Why would I assassinate him? For what?” Pahayag ni Duterte.