Muling nadagdagan ang bilang ng positibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City.
Batay sa pinakahuling tala ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, 23 ang panibagong kaso ng COVID-19, dahilan para umakyat na sa 174 ang kabuuang bilang.
Ang mga panibagong kaso ay nagmula sa mga barangay ng:
Bagong Pag-asa,
Bahay Toro,
Del Monte,
San Isidro Labrador,
Siena,
Batasan Hills,
Bagong Silangan,
Holy Spirit,
Matandang Balara,
Botocan,
Central,
Damayang Lagi,
Immaculate Conception,
Roxas,
Santol,
Tatalon,
Fairview,
Culiat,
New era,
Pasong Tamo, at
Talipapa.
Samantala, nananatili naman sa 27 ang naitalang nasawi habang 11 naman ang nakarekober.