Sunday, April 28, 2024

Duterte muling umapela kay Sison na umuwi ng Pinas

- Advertisement -

Muling umapela si Pang. Rodrigo Duterte kay CPP-founding Chairman Jose Maria “Joma” Sison na umuwi na ng Pilipinas upang matuloy na ang usapang pang-kapayapaan.

Ayon kay Pang. Duterte, nais niyang umuwi si Sison sa Pilipinas upang mapag-usapan nilang dalawa nang masinsinan ang pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng mga rebeldeng grupo.

Aniya, tatalima siya sa kaniyang unang pangako na makatitiyak si Sison na malaya siyang makatatapak at maka-aalis sa Pilipinas. Dagdag pa ng Pangulo, tiwala siya na wala nang idelohiyang ipinaglalaban ang mga komunistang grupo kundi nais lamang nitong makapang-gulo sa bansa.

Sinabi rin ni Pang. Duterte na handa siyang bigyan ng pagkaka-kitaan, at bahay ang lahat ng miyembro ng komunistang grupo na magbabalik loob sa estado.

Samantala, aminado naman din ang Pangulo na mas makabubuti kung magbabalik loob na lamang ang mga ito, upang matapos na ang gulo sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -