Duterte muling nagpasalamat sa mga frontliners, health workers

0
17

Muling nagbigay ng pagpupugay si Pang. Rodrigo Duterte sa mga health workers na siyang frontliners sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kanyang pagharap sa publiko, kagabi, sinabi ni Pang. Duterte na labis-labis ang kaniyang pasasalamat at paghanga sa mga frontliners sa kanilang serbisyo at sakripisyo para sa bansa.

Sinabi ng Pangulo, taos puso ang kaniyang pagsaludo sa lahat ng health workers sa bansa at makatitiyak sila na tutumbasan ng pamahalaan ang kanilang paglilingkod sa bayan.

Kaugnay nito, sinabi pa ng Pangulo na maituturing na bayani ang lahat ng mga health workers na nasawi sa gitna ng pagbibigay ng serbisyo para sa Pilipinas.