Duterte may karapatang sibakin si Robredo — Panelo

0
25

Hindi na maglalabas ng official order ang Malakanyang kaugnay sa pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malinaw na itinalaga lamang ng Pangulo ang Bise Presidente sa ICAD kung kaya’t may karapatan rin itong sibakin kapag hindi na ito kuntento sa kanyang trabaho.

Aniya, nainsulto ang Pangulo sa hamon ni Robredo na sibakin na lamang siya sa puwesto kung hindi siya kayang pagkatiwalaan.

Matatandaang, a-sais ng Nobyembre nang tinanggap ni Robredo ang alok na posisyon sa ICAD at dalawang linggo lamang ang itinagal ay sinibak naman ito sa puwesto.