Luzon grid nasa yellow alert na — NGCP

0
30

Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa yellow alert.

Ito ay bunsod ng hindi sapat na operating reserve ng kuryente dahil sa power plant outages.

Ayon sa NGCP, nagsimula ang yellow alert mula alas diyes ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon ngayong araw ng Lunes, November 25.

Samantala, nakahanda naman ang mga korporasyon at commercial establishments na paganahin ang kanilang mga generator sets kung sakaling magkulang ang suplay ng kuryente sa Luzon.