Mga guro mahalagang mabigyan ng due process — DepEd

0
42

Magpapatawag ng pagpupulong ang Department of Education (DepEd) sa mga kinatawan ng media upang talakayin ang tamang pagtugon sa mga isyu sa loob ng paaralan.

Ito ay matapos mag-trending sa social media ang pag-ere sa TV/Radio Program ang insidenteng pagrereklamo ng magulang sa isang guro dahil sa pagpataw ng parusa nito sa kanyang estudyante.

Ayon sa DepEd, mahalagang mabigyan ng due process ang mga guro na hindi naipagkaloob sa nabanggit na guro matapos siyang ireklamo sa TV program.

Samantala, nananawagan naman ang DepEd sa lahat ng paaralan sa bansa na paigtingin pa ang kani-kanilang Parents-Teachers-Associations (PTA) meetings upang magbunga ng maganda relasyon sa pagitan ng guro at mga magulang.