Pinabulaanan ni Senator Koko Pimentel ang napaulat na isinugod sya sa ospital noong Marso a-31.
Magugunitang ibinalita kasi noong Martes na dinala ang senador sa hindi pa tukoy na pagamutan matapos na makaramdam umano ng sama ng pakiramdan.
Samantala, nakikiusap naman ang tauhan nito na bigyan ng privacy ang senador at karapatang gumaling.
Isa lamang si Pimentel sa tatlong mambabatas na kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa senado kasama sina Senator Juan Miguel Zubiri at Sonny Angara.