Duterte kuntento sa pagkakapili ng 3rd telco player sa bansa

0
45

Kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakapili sa Mislatel Consortium bilang third major telecommunications player sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, muling iginiit ng pangulo na ang tanging mahalaga sa kanya ay ang makapag-bigay ng mas magandang serbisyo ang napiling ikatlong telco at nasunod nito ang panuntunan sa proseso ng bidding.

Dagdag pa ni Panelo, hindi nakialam o namagitan si Pangulong Duterte sa pagpili sa Mislatel.

Mahigpit din anitong iniatas sa mga kinauukulang ahensiya at tanggapan na tiyaking naaayon sa batas ang proseso ng bidding.

Magugunitang, idineklara na ng National Telecommunications Commissions (NTC) bilang ikatlong telco ang Mislatel Consortium na binubuo ng China Telecommunications Corporation, Udenna Corporation, Chelsea Logostics Holding Corporation at Mindanao Islamic Telephone Company.