Duterte itinaas ang ranggo ng PNP police director

0
65

Itinaas ng Pangulong Rodrigo Duterte ng ranggo si Philippine National Police (PNP) Police Director Camilo Cascolan.

Mula sa ranggong director itinaas ng pangulo sa ranggong deputy director general si Cascolan na co-author ng oplan double barrel, oplan tokhang at oplan high value target na pawang bahagi ng anti-drug war campaign ng gobyernong Duterte.

Bago nailipat sa civil security group nanilbihan una si Cascolan ng anim na linggo bilang pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Samantala, promoted din ang dalawang opisyal ng Philippine Coastguard  (PCG) na sina Vice Admiral Joel Garcia at Rolando Legaspi.