33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

DOJ ieendorso sa Ombudsman ang kaso ni Lapeña

- Advertisement -

Pinag-aaralan na ng national prosecution service ng Department of Justice (DOJ) ang pag-eendorso ng kasong graft laban kay dating Bureau of Customs (BOC) commissioner at  ngayo’y TESDA director General Isidro Lapeña sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, sa kanilang palagay, mas naangkop sa kapangyarihan at mandato ng office ombudman ang pag-iimbestiga sa kasong graft laban kay Lapeña.

Batay aniya sa nilagdaang memorandum of agreement ng DOJ at Office of the Ombudsman noong 2012, ibinibigay sa Ombudsman ang pangunahing hurisdiksyon para magsagawa ng preliminary investigation at inquest proceedings sa mga reklamong katiwalian na kinasasangkutan ng mga public officials bago sampahan ng kaso sa Sandiganbayan.

Samantala, ipinagtataka naman ni Lapeña ang rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na kasuhan siya sa DOJ dahil sa mga nawawalang mahigit 100 container vans.

Kumbinsido ang opisyal na may nasagasaan siya nang kanyang pa-imbestigahan ang pagkakalusot ng mga nasabing containers vans sa kabila ng kanyang ipinalabas na alert.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -