29.7 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Duterte ipinagutos na siguraduhing hindi makakalaya si Sanchez

- Advertisement -

Ipinagutos ni Pangulong Rodrigo Duterte kina Bureau of Corrections Chief Nicanor Faeldon at Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na siguruhing hindi mapapalaya si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Senator Bong Go, sinabi ng Pangulo na hindi lalabas si Sanchez nang walang order mula sa higher authority na ibig sabihin ay mula mismo sa Pangulo.

Aniya, nagalit ang Pangulo nang malaman na lalabas na ng kulungan si Sanchez dahil napababa ang sentensiya nito bunga ng good conduct sa loob ng kulungan.

Binigyang diin pa ni Go na abogado ang Pangulo at alam nito na hind dapat na makasama si Sanchez sa RA 10592 dahil ito ay sangkot sa heinous crime o karumal dumal na krimen.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -