Duterte muling pinulong ang IATF-EID sa Malakanyang kagabi

0
47

Muling pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal na mieymbro ng Inter-Agency Task Force for the Management 0f Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Malakanyang, kagabi.

Batay sa ipinalabas na larawan ng official Facebook page ng presidential communications, kasama ng pangulo sa pulong sina Senador Christopher Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea, Cabinet Secretary Carlo Nograles.

Gayundin sina Interior Secretary Eduardo Año, Defense Secretary Delfin Lorenzana at PNP Chief General Archie Gamboa.

Gayunman, wala pang ipinalalabas na detalye hinggil sa usapin na natalakay sa nabanggit na pulong.

Una nang nanawagan si Pangulong Duterte ng isang special session sa Kongreso.