Wednesday, May 1, 2024

Duterte hinimok ang Kongreso na ibalik ang ROTC

- Advertisement -

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na ibalik ang Reserve Officers Training Course (ROTC) para sa mga kabataan.

Sa talumpati ng pangulo sa inagurasyon ng Cavite Gateway Terminal sa bayan ng Tanza, sinabi ng pangulo na dapat itong buhayin muli para maitanim ang pagmamahal sa bayan sa mga kabataan.

Dapat aniyang gawin itong mandatory upang matatak sa isipan ng mga kabataan ang kahalagahan nito.

Naniniwala ang pangulo na simula nang mawala ang ROTC ay nalulon na ang karamihan sa mga kabataan sa paninigarilyo at pag-inom at nawala na ang pagmamalasakit sa bayan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img