Duterte hindi uurong sa China – Palasyo

0
43

Nanindigan ang Malacañang na hindi kailanman uurong si Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Ito ay kaugnay ng naging pahayag ni Pangulong Duterte kung saan sinabi nito na isang maliit na aksidenteng pandagat lamang ang pagbanga ng Chinese fishing vessel sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda.

Ayon kay Cabinet secretary Karlo Nograles, hindi nanahimik ang pangulo sa nasabing insidente.

Anya, nagiging maingat lamang ang pangulo sa kaniyang mga pahayag dahil hindi pa naman tapos ang magkahiwalay na imbestigasyon ng China at Pilipinas sa naganap na insidente.

Matatandaang, una nang tiniyak ni Pangulong Duterte na masusing iimbestigahan ng pamahalaan ang nangyaring insidente sa Recto Bank.