China handang makipagtulungan sa PHL sa ‘Recto Bank incident’ investigation

0
55

Handang makipagtulungan ang China sa Pilipinas para sa isang imbestigasyon sa naganap na insidente sa Recto Bank na sakop ng West Philippine Sea.

Ito ay kaugnay ng nangyaring pagbangga ng Chinese fishing vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino.

Ayon kay Chinese foreign ministry spokesman Lu Kang, handa ang mga otoridad sa China na makiisa sa Pilipinas upang siyasatin ang totoong nangyari sa naturang insidente.

Kaugnay nito, sinabi rin ng Chinese official na nakikisimpatya sila sa sinapit ng mga mangingisdang Pinoy.

Gayunman, nanindigan rin naman si Lu na ang nangyari ay isang “accidental collision” lamang ngunit sinabi rin nitong mabuting maimbestigahan ang pangyayari upang hindi magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang bansa at China.