‘Recto bank incident’ posibleng aksidente lang

0
48

Posibleng aksidente ang nangyaring pagbangga ng isang Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pinoy sa Recto Bank.

Ito ang nakikita ni United States ambassador to the Philippines Sung Kim sa insidente.

Gayunman, iginiit ni Kim na malinaw na maituturing pa rin itong napakaseryosong sitwasyon at dapat aniyang may managot sa pangyayari.

Dagdag pa ng opisyal, dapat din agad na sinaklolohan ang mga mangingisdang nagpalutang-lutang sa karagatan matapos lumubog ang kanilang bangka.

Sinabi pa ni Kim, mahalagang magsagawa ng mahigpit na imbestigasyon para matukoy ang tunay na nangyari bagama’t iginiit nito na hindi makikialam ang Amerika sa kontrobersiya na kinasasangkutan lang aniya ng Pilipinas at China.