Monday, May 6, 2024

Duterte hindi sisipot sa Independence Day celebration sa Cebu

- Advertisement -

Kumpirmado nang hindi makadadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Lapu-Lapu City, Cebu, ngayong araw.

Ayon kay Dr. Rene Escalante, chairperson ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), hindi makadadalo ang pangulo dahil mayroon na itong naunang schedule sa araw na ito.

Anya, magsisilbi sanang kinatawan ang pangulo sa programa ni Education sec. Leonor Briones.

Ang Liberty Shrine sa Mactan ang magiging sentro ng selebrasyon ng Independence Day, ngayong araw.

Isasagawa naman ang simultaneous flag raising ceremony sa buong bansa, mamayang alas-8 ng umaga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img