Mga nabiktima ng Kapa pinaghahain ng kaso

0
62

Hinikayat ng Malacañang ang mga nabiktima ng Kapa Ministry International na maghain ng kaso.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ito ay upang marekober ng mga nag-invest ang kanilang inilagak na pera sa Kapa Ministry.

Dahil dito, sinabi ni Panelo na dapat maghain ang mga nabiktima nito ng criminal at civil suits, upang maobliga ang Kapa Ministry na ibalik ang kanilang pera.

Kasabay nito, ibinabala rin naman ni Panelo na hindi lamang ang Kapa ang hahabulin at pananagutin ng pamahalaan, kundi lahat ng iba pang investment scheme na inirereklamo dahil sa panloloko.

Samantala, nabatid naman na posibleng umabot sa P50-B ang natangay ng Kapa sa kanilang mga miyembro sa nakalipas lamang na ilang buwan.