35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

AFP pinasalamatan ang mga Pinoy ngayong Independence Day

- Advertisement -

Lubos na pinasasalamatan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng Independence Day, ngayong araw.

Ito’y ayon kay AFP chief general Benjamin Madrigal, kung saan tiniyak nito na patuloy na poprotektahan ng militar ang mga Pilipino sa buong bansa.

Anya, sa maraming dekada ay libu-libong sundalo ang nag-sakripisyo para matiyak ang kapayapaan sa bansa na lubos namang nakatulong sa pag-unlad nito.

Samantala, sinabi naman si Defense sec. Delfin Lorenzana na trabaho ng lahat ng Pilipino at hindi lang ng militar ang pagprotekta sa bansa.

Kasabay nito, nanawagan rin naman si Lorenzana sa publiko na suportahan ang gobyerno na tuldukan ang karahasan na nagdudulot ng pagkakawatak-watak ng mga mamamayan sa Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -